*Nueva Vizcaya-* Binuksan na ngayong araw ang kauna-unahang Blood bank center sa buong lambak ng Cagayan.
sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Stephanie Cabrera, administrator ng PRC Isabela, ang blood center ng region 2 ay nakabase sa lalawigan ng Nueva Vizcaya malapit sa provincial capitol kung saan ay sinimulan na ang operasyon nito.
Ang pagbubukas ng blood bank center ay dinaluhan ng ibat-ibang ahensya sa rehiyon dos, Cordillera at ng main office ng Red Cross.
Ang nasabing chapter ay magkokolek ng blood unit at magpo-proseso ng blood platelates na madalas kinakailangan ng mga biktima ng sakit na dengue maging ang mga frozen plasma.
Mataas na rin anya ang pangangailangan ng dugo ngayon dahil na rin sa dami ng mga kaso ng Dengue na naitatala sa ating rehiyon.
Samantala, nakatakda naman ngayong araw ang kanilang isasagawang blood letting activity na gaganapin sa brgy. District 2 ng Cauayan City para sa mga nais magdonate ng dugo kasabay ng pista ng nasabing barangay.
Aniya, mahalaga ang pagdodonate ng dugo dahil isa itong paraan para makatulong sa mga taong nangangailangan.