Inaanyayahan ngayon ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na mag-donate ng dugo kasabay ng pagdiriwang ng World’s Blood Donors Day ngayong araw.
Ito ay may temang “Donating blood is an act of solidarity. Join the effort and save lives!”
Ayon kay Dra. Christie Monina Nalupta, Assistant Secretary General for Program and Services at director ng National Blood Servies ng PRC, ang pagdiriwang ngayong araw ay bilang pasasalamat sa lahat ng mga blood donors na tumutulong upang madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan ng dugo.
Nabatid na noong 2020 at 2021 na kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay bumaba ng 20% ang blood donations na natanggap ng PRC.
Samantala, tuwing Hulyo ay ipagdiriwang din sa bansa ang blood donors month kung saan binibigyang-pugay ang mga bayaning nagdo-donate ng dugo sa pamamagitan ng paggagawad sa kanila ng certificate at plaque of recognition.
Isa ang Radio Mindanao Network sa masugid na sumusuporta sa blood donation campaign ng PRC.