69 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras

41

Bagama’t bahagyang humupa at patuloy pa rin sa pag-aalburuto ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 69 na volcanic earthquakes kung saan 56 dito ay volcanic tremors na tumatagal ng 19 na minuto.

Nagbuga rin ito ng 4,627 na tonelada ng sulfur dioxide at usok na hanggang 750 metro ang taas.


Nakasailalim pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan na nangangahulugang posible pa rin ang mga biglaang pagsabog nito.

Facebook Comments