BLOOD LETTING ACTIVITY SA BAYAN NG SAN MANUEL, TAGUMPAY NA NAISAGAWA

Cauayan City – Tagumpay na naisagawa ang Blood Letting Activity sa Bayan ng San Manuel matapos dumagsa ang mga volunteers na nais mag donate ng kanilang dugo.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Albert Santos,. Nurse-in-Charge sa San Manuel Municipal Health Office, ito na ang ikalawang blood donation drive na isinagawa sa kanilang bayan.

Watch more balita here: BRGY. VILLA LUNA, NANANATILING PAYAPA


Ito ay muling pinangasiwaan ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel at Rural Health Unit sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Faustino Dy IV., at Dra. Nikki Rose Agcaoili, kasama ang Cagayan Valley Medical Center Blood Bank Department.

Sa kabuuan, nakalikom ng 100 bags ng dugo mula sa mga residente ng naturang bayan, miyembro ng PNP, BFP, Philippine Guardians Brotherhood Incorporated San Manuel Chapter, San Manuel Supreme Cagayan Valley Eagles Club, Business Establishments, Non-Government Agancies and Offices, mga kawani ng DepEd, at private schools.

Labis namang nagpasalamat ang pamunuan ng Rural Health Unit ng San Manuel sa lahat ng sumuporta at nakibahagi sa aktibidad na ito dahil sa pamamagitan ng kanilang pag do-donate ay marami ng mga indibidwal na nangangailangan ng dugo ang kanilang matutulungan.

Facebook Comments