Blood Olympics ng Santiago City Health Office, Idinaos!

Matagumpay na idinaos ang unang blood letting activity ng City Health Office sa lungsod ng Santiago ngayong taong 2019.

Sa panayam ng RMN cauayan kay Perlita Bautista ang chief medical laborotory officer ng CIty Health Office ng Santiago ay sinabi nito na nasa 1400 umano ang kanilang target na makuha sa buong 2019.

Ikinatuwa naman ng naturang tanggapan ang magandang tugon at kooperasyon ng mga residente at iba pang mga organisasyong nag donate ng dugo.


Aniya, layon umano ng city health office na magkaroon ng sapat na stock ng dugo upang mayroong makukuhanan kung mangangaylangan ang mga residente o pasyente dito.

Dagdag pa nito sa mga nagdaang taon ay matindi umano ang naging pangangaylangan ng dugo dahil sa mga dengue patient kaya’t lalo pa umanong pagsusumilapang makuha ang kanilang target ngayong taon.

Umabot naman sa 185 na dugo ang nakuha mula sa mga succesful blood donor sa isinagawang blood olympics ng CHO.

Facebook Comments