Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nakapagsagawa ng bloodletting activity ang pwersa ng Police Regional Office No. 2 katuwang ang Cagayan Valley Medical Center na layong madagdagan pa ang suplay ng dugo sa nasabing pagamutan.
Sabay-sabay na nakiisa ang Regional Community Affairs Development Division (RCADD) at Regional Health Service 2 (RHS-2) ng PRO2, Department of Health Region 2 at nakapagbahagi ng dugo mula sa 166 donor o katumbas ng 74,000 cubic centimeters.
Ayon sa pahayag ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro, ang pagbabahagi ng dugo ay isang malaking ambag hindi lamang sa pamilya ng mga kapulisan kundi sa publiko na higit na nangangailangan sa kanilang gamutan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Casimiro sa mga boluntaryong pamamahagi ng dugo ng mga kapulisan.