Board Member, Patay habang Nagdadaos ng Prayer Service

Cauayan City, Isabela-Idineklarang dead on arrival habang isinusugod sa pagamutan si Board Member Alexandre Cawed Claver ng Mountain Province matapos mag-collapsed habang nasa prayer service.

Batay sa facebook post ng PLGU Mt. Province, kasama noon ng opisyal ang iba pang miyembro ng Sta. Rita de Cascia Parish na dumalo sa isang wake service sa Latang, Barga.

Kaagad naming binigyang ng paunang lunas ang opisyal ng isang PNP nurse hanggang sa ma-revive ito at umabot pa sa apat na beses na ginawa ang Cardiopulmonary resuscitation pero hindi nakaligtas si Claver.


Pinamumunuan ni BM Claver ang Committee on Agriculture and Agrarian Reform at co-chairman naman ng Committee on Cooperatives, NGOs, POs, and Trade and Industry, Committee on Youth Affairs, Sports and Personnel Development at miyembro rin ito ng Committee on Indigenous Peoples, Committee on Budget and Appropriations, Public Works, Highways and Infrastructures, Committee on Laws, Provincial Properties and Equipment, Committee on Education And Culture and Committee on Human Rights, Civil Defence and Peace and Order.

Nagsimula naman ang karera sa pulitika ng yumaong si Claver noong 2016 matapos manalo bilang Sangguniang Bayan member ng LGU Bontoc hanggang sa tumakbo rin ito at nagwagi bilang pangulo ng Philippine Councilors League – Mountain Province Chapter.

Nagsilbi rin ito bilang ex-officio member ng 9th SP mula 2016 hanggang 2019 hanggang sa Manalo ito sa pagka-Board Member at mahalal rin bilang Vice President of the League of Provincial Board Members -Mountain Province Chapter.

Bago sumabak sa mundo ng pulitika, nagsilbi muna itong private secretary ng kanyang ama ng noo’y si Vice-Governor Louis F. Claver II mula 2007-2010 at magsilbi rin siyang executive assistant kay late Governor Leonard G. Mayaen at pangunahan nito ang Mountain Province Students’ Financial Assistance Program mula 2014-2015.

Samantala, nagtapos ng abogasya si BM Claver sa Baguio Colleges Foundation (BCF), ngayon ay University of the Cordilleras at Saint Louis University, Baguio City at kumuha ng undergraduate course na Bachelor of Science in Commerce sa BCF noong 1993

Binawian ng buhay si BM Claver sa edad na 50.

Nitong Oktubre 8, 2021 ng maghain ng kandidatura si Claver sa pagka-bise gobernador.

Facebook Comments