MGA NAGPAPAREHISTRO NGAYONG VOTERS REGISTRATION EXTENSION MATUMAL AYON SA COMELEC PANGASINAN

41

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Matumal pa sa ngayon ang bilang ng mga nagpaparehistro sa pagpapatuloy ng voters registration extension ayon sa COMELEC Pangasinan.

Sa impormasyong nakalap ng iFM Dagupan kung dati ay inaabot ng lima hanggang anim na libo (6,000) sa isang araw, ngayon daw ay nasa mahigit isang libong (1,000) indibidwal na lamang.

Ayon sa ulat ng mga lokal COMELEC sa buong Pangasinan bagamat inaasahan na din na sa susunod na linggo ay tataas ang bilang ng mga magpaparehistro lalo na at huling bahagi na ito ng extended voters registration.


Nanawagan naman ang COMELEC sa mga hindi pa rehistrado na magtungo na sa kanilang mga COMELEC offices para hindi na magahol sa last-minute ng voters registration.###

Facebook Comments