NBA | Kontrata ni Adam Silver bilang NBA Commissioners, pinalawig pa

NBA – Pinalawig pa hanggang taong 2023-24 ang kontrata ni Adam Silver bilang NBA Commissioner.

Ito ay dahil sa magandang performance ni Silver sa mga nagdaang taon matapos niyang palitan si David Stern noong 2014.

Mismong si NBA Board of Governors Chairman Larry Tannenbaum ang nag-anunisyo nito pero hindi isinapubliko kung magkano ang makukuha nitong sweldo.


Bago maging NBA Commissioner, nagsilbi muna bilang Deputy Commissioner at Chief Operating Officer ng NBA si Silver sa loob ng walong taon.

Facebook Comments