BOC, BAI – mahigpit na ang pagbabantay sa mga border upang walang makalusot na pork products na kontaminado ng African swine fever

Manila, Philippines – Pinaigting ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagbabantay laban sa posibleng pagpasok ng mga kontaminadong karneng baboy at iba pang meat products mula sa mga bansang apektado ng African swine fever o ASF.

Ipatutupad ang mahigpit na polisiya hinggil sa pagpasok ng pork products mula sa mga China, Belgium, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Ayon kay NAIA District Collector Carmelita Talusan – patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga regulating agencies para higpitan ang mga border para maprotektahan na rin ang swine industry ng Pilipinas.


Sa taya ng BAI, sakaling magkaroon ng outbreak ng ASF sa bansa ay tinatayang aabot sa higit 40 milyong baboy ang maapektuhan at mag-iiwan ng dalawang bilyong pisong pagkalugi sa industriya.

Facebook Comments