Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Richard Gordon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon na magbitiw na.
Bunsod ito ng kontrobesyang kinakaharap ng BOC makaraang malusutan ng halagang 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.
Sa tingin ni Gordon ay nag-a-alangan pa si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan si Faeldon dahil marahil ay naghahanap pa ito ng bagong mamumuno sa ahensya.
Ayon kay Gordon, kasabay ng pagre-resign ay dapat harapin ni Faeldon ang mga kasong posibelng isampa sa kanya kaugnay sa nangyaring smuggling ng droga.
Diin ni Senator Gordon, maraming naging pagkakamali, at pagkukulang si Faeldon bilang pinuno ng Bureau of Customs.
Facebook Comments