BOC, handang sundin si PRRD kaugnay sa pagsibak sa higit 50 high ranking officials at employees

156

Handa ang Bureau of Customs (BOC) na sumunod kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang higit 50 high ranking officials at employees na sangkot sa korapyon.

Ito ay kapag pinangalanan na ng Pangulo ang mga ito.


Ayon kay Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla – kailangan muna nilang matanggap ang detalye hinggil sa pagsibak sa mga naturang opisyal at empleyado.

Kapag nangyari ito, mayroong sapat na manpower ang kawanihan para punan ang posisyon na iniwan ng mga sisibaking opisyal at tauhan.

Hihingi rin ng augmentation ang customs mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments

From Advertisers