BOC, pinaigting ang pagsusuri sa mga kargamento para walang makapasok na pekeng bakuna kontra COVID-19

Pinaigting na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagsusuri ng mga kargamento sa lahat ng entry points ng bansa.

Ito’y para masiguro na walang makakapasok na pekeng bakuna kontra COVID-19.

Sa panayam kay Customs Spokesperson Vincent Philip Maronilla, sinabi nito na sa kasalukuyan ay wala pang nahuhuling nagpapasok ng pekeng bakuna sa bansa.


Ito kahit pa sa kabila ng mga ulat na may mga iligal na pagbabakuna na nangyayari.

Ayon pa kay Maronilla, nakikipag-ugnayan na rin ang Customs sa mga gumagawa ng bakuna upang matukoy ang mga pekeng produkto.

Mayroon na ring intelligence unit ang BOC na tututok sa mga pekeng bakuna kung saan pumipili na rin ng mga pharmaceutical company ang sariling logistics partners ng customs para tumanggap ng bakuna pagdating nito sa bansa.

Sisiguruhin ding titingnan ang mga dokumento at permit ng mga ito mula sa Food and Drug Administration (FDA) at hindi rin papayagang pumasok sa bansa ang mga bakunang walang Emergency Use Authorization (EUA).

Facebook Comments