Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na ginagawan na nila ng paraan para mapabilis ang pag-release ng balikbayan boxes ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na iniwan ng CMG International Movers and Cargo Services at Cargoflex Haulers Corporation.
Nakipagpulong na rin ang BOC sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) kung saan tinalakay ang ang mga paraan para mapabilis ang pagre-release at delivery ng mga nasabing kahon.
Una nang nakapag-release ang BOC ng pitong containers na naka-consign sa CMG at ininspeksyon na rin ito ng Customs kung saan inaasahang makukumpleto ang delivery nito sa katapusan ng Agosto.
Maglalagay na rin ang customs ng Balikbayan Box Assistance Unit na siyang magmo-monitor sa pag-release at delivery ng mga balikbayan box ng consignee.