Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakatanggap na ng kanyang second booster dose

61

Natanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang second booster dose.

Ginawa ng pangulo ang pagpapabakuna sa kanyang pagbisita sa vaccination site sa SM Manila na may kaugnayan sa pagpapaigting sa kampanya para sa pagpapa-booster shot o ang PinasLakas campaign.

Ang brand ng kanyang second booster dose ay Pfizer at kasabay ni Marcos sa pagpapabakuna ng second booster dose ang kanyang anak na si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.


Sa mensahe nito sa ginawang pagbisita sa vaccination site sa Maynila, sinabi nitong nais niyang hikayatin ang lahat ng mga Pilipino na magpa-booster shot, dahil makatutulong ito sa patuloy na pagbubukas muli ng ekonomiya maging ang pagsisimula muli ng face-to-face classes.

Sinabi pa ng pangulo na dahil sa pagkakaroon ng Omicron variants at mga subvariants nito ay mahalaga ang booster shot dahil kahit madapuan nito ay hindi na magiging malubha o maoospital.

Ang PinasLakas campaign ay inilunsad ng Department of Health (DOH) noong July 26, 2022 na layuning gawin ng mga vaccination activities sa iba’t ibang lugar katukad ng malls, palengke, terminal, eskwelahan, plaza, workplaces at iba pa.



Facebook Comments