Sinabi ng pamunuan ng Isabela Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I) ang pagtanggap kay Abuan bilang AGM ay di nangangahulugang pagbibigay ng buong suporta sa kanya ng kooperatiba.
Paliwanag ng ISELCO 1, pagtanggap sa kaniya bilang isang Acting General Manager ay pagpapakita lang ng respeto sa kaniya bilang isang member-consumer-owner ng Kooperatiba.
Si Abuan ay umupo sa posisyon noong Nobyembre 29, 2022 bagamat wala pang kompirmasyon ang Board of Directors ng ISELCO-I.
Ayon sa pahayag ng ISELCO 1, hindi kailangan ng kooperatiba ng Acting GM at Project Supervisor dahil sa loob ng anim na magkakasunod na taon ay kabilang ang ISELCO-I sa mga Electric Cooperatives sa bansa na may pinakamataas na kategorya (Triple A Megalarge Electric Cooperative).
Hindi rin umano dumaan sa proseso ang appointment ni Abuan dahil walang natanggap na paunang notice ang Kooperatiba mula sa NEA ukol sa pagtatalaga sa kanya.
Ang bagong talagang AGM ay kulang din umano ng kinakailangang bilang ng Annual General Membership Assembly (AGMA) attendance.
Tutol din ang BOD ng ISELCO 1 sa pagpapatigil ni Abuan sa AGMA na naka-iskedyul noong June 30, 2022 kung saan gumastos na ang kooperatiba ng malaking halaga.
Mayroon din umanong kaugnayan si Atty. Abuan kay Jaime Atayde na siyang nanghingi ng dalawang Temporary Restraining Order (TRO) na nagpatigil sa eleksyon ng BOD sa mga bayan ng Cordon, Reina Mercedes, Ramon, San Isidro, Alicia, Angadanan/San Guillermo, at lungsod ng Cauayan at Santiago.
Isa pang dahilan ay ang paghain ng reklamo laban kay Board President Presley De Jesus upang matanggal siya bilang miyembro ng Hunta Direktiba ng ISELCO-I.
Dahil sa mga rasong nabanggit, nanindigan ng BOD ng ISELCO 1 na ang kasalukuyang pamunuan ang patuloy na mamumuno sa kooperatiba.