Bohol, Philippines – Kakasuhan ng kasong parricide ang mga otoridad si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel.
Ito ay dahil sa umano pagpatay nito sa kaniyang asawa na si Bien Unido Mayor Gisela Boniel.
Ayon kay Chief Supt. Noli Taliño, Central Visayas Police Regional Office Director, ang mga kasabwat ni Niño Rey Boniel ay mahaharap naman sa kasong murder.
Sa ngayon, lima sa pitong suspek ang hawak na ngayon ng mga pulis.
Ang kaibigan ng alkalde na si Angela Gamalinda-Leyson ay magsasampa rin ng hiwalay na kasong kriminal laban kay Niño Rey Boniel.
Si Leyson ay kasama ni Gisela nang sila ay dukutin at ikulong sa isang resort sa Bien Unido.
Positibong kinilala ni Leyson si Niño na siyang nagkulong sa kanila sa kwarto at nakita din niyang sinuntok nito ang alkalde.
DZXL558