BOL | Plebesito para sa Bangsamoro Organic Law, inaasahan na maisapinal ngayong taon

Manila, Philippines – Inaasahan ng COMELEC na maisasapinal na ang lahat bago sumapit ang Enero ng susunod na taon para sa Plebesito ng Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nasa tinatayang 2.8 milyon katao ang lalahok sa plebesito para sa Bangsamoro Organic Law at target nilang masimulan ang pag imprenta ng kailangang balota sa Disyembre.

Dalawang klase ng balota ang iimprentahin ng Comelec para sa Bangsamoro plebescite – ayon kay Jimenez


Una ay ang tanong na kung sang-ayon sa pagratipika ng bagong bol na ibibigay sa mga lugar na sakop na ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao

Mas masalimuot ayon kay Jimenez ang ikalawang uri ng balota sa Plebesito na nakatuon sa mga lugar na gustong sumali sa binubuong Bangsamoro Region..

Paliwanag ng COMELEC, kailangan kasing ang mismong Lokal na gobyerno at buong bayan o Munisipalidad ang pumayag na mapabilang sa bagong Bangsamoro Region at hindi ang isa o higit lamang na Barangay.

Facebook Comments