BOLO BEACH, PATOK NA DESTINASYON SA ALAMINOS CITY NGAYONG TAG-INIT

Kasabay ng pagdating ng tag-init, inaasahang dadagsa muli ang mga turista at residente sa mga kilalang pasyalan sa Alaminos City upang magpalamig at magbakasyon.

Isa sa mga pangunahing destinasyon ngayong panahon ang Hundred Islands National Park at mga beach na matatagpuan sa paligid nito.

Inaasahan na magiging patok ito sa mga turista kaya hatid ng The First Islatel ang free private access sa bahagi ng Bolo Beach para sa mga naghahanap ng mas tahimik at intimate na bakasyon o lugar para sa family gathering.

Kabilang sa maaaring ma-enjoy ng mga bisita sa Bolo Beach ang paglangoy at pagtampisaw sa dagat, pati na rin ang iba’t ibang water activities tulad ng pedal boating at crystal kayak.

Kung napagod naman sa mga aktibidad, maaari ring ma-enjoy ng mga bisita ang pagkain, swimming pool, bar area, at room accommodations na tiyak na magbibigay ng magandang karanasan sa kanilang pananatili.

Samantala, inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Alaminos na patuloy pang dadami ang mga turista sa mga susunod na linggo habang tumitindi ang init ng panahon.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ang mga bumibisita na panatilihing malinis ang kapaligiran at sumunod sa mga patakaran upang mapanatili ang kagandahan ng mga isla, alinsunod sa kampanyang Clean As You Go (CLAYGO).

Sa kabila ng mainit na panahon, nananatiling paboritong puntahan ng mga taong nais magpahinga, mag-enjoy sa dagat, at maranasan ang likas na kagandahan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments