Update: Isang airbus 320 ng Air-Asia ang nag-emergency landing sa NAIA

Manila, Philippines – Ayon sa Media Affairs Division ng Manila International Airport Auhtority o MIAA, napilitan ang piloto ng Air-Asia flight 612 na si Allan Roque na mag- emergency landing dahil ang kaliwang makina na lamang ng aircraft ang gumagana.

Ligtas namang nailapag ang eroplano at ang lahat ng mga pasahero.

Mabilis din rumesponde ang mga tauhan ng rescue and fire division ng MIAA nabatid na ang naturang eroplano ay mula sa Davao City.


Facebook Comments