"Bombay" o Indian National Binaril-Patay sa Bayan ng Bula CamSur ; 3 Iba pang Magkahalintulad na Kaso Naitala sa Probinsiya

Patay sa tama ng Bala ng kalibre kwarenta y singko ang isang Indian National na nakilala sa pangalan na Surjit Kaur-Singh, 40 years-old, residente ng Brgy. San Miguel, Iriga City, Camarines Sur.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sa pamamagitan ni P/Major Fernando Cedo, sakay ng kanyang SUV ang Indian National nang biglang paputukan sa ulo ng di pa kilalang armadong lalaki na lumapit mismo sa biktima.
Nangyari ang pamamaril alas-otso y medya kahapon ng umaga sa provincial road ng Brgy. Balaogan sa bayan ng Bula sa probinsya ng Camarines Sur.
Nagulat naman ang asawa ng bombay na galing sa pangungulekta ng pautang nang balikan nito ang asawang bombay na duguan at walang ng buhay sa driver seat mismo ng sasakyan nito. May tama ng bala sa ulo ang biktima.
Sa dagdag pang imbestigasyon ng PNP, nawawala ang mobile phone at cash na dala ng biktima kung kaya kinukunsidera ng PNP na posibleng robbery hold-up sa naturang kaso.
Magugunitang naging laman din mga balita kamakailan ang pagkakabaril-patay sa mga “Bombay” o Indian Nationals na mag kaugnayan ang negosyo sa pagpapautang. Kabilang ang kasong ito, umaabot na sa apat ang naireport na insidente ng pamamaril-patay sa mga bayan ng San Fernando, Calabanga at Pili sa Camarines sur.
with report from RadyoMaN Manny Basa

Facebook Comments