Namahagi si Senator Christopher “Bong” ng mga pagkain, masks, at face shields sa 374 vendors sa Pandi Public Market sa Pandi, Bulacan, araw ng Miyerkules, October 28 dahil sa patuloy na epekto ng COVID-19 sa kanilang kabuhayan.
Maliban sa naturang ayuda ay namigay din ang team ni Go ng mga bisekleta sa mga piling residente para makatulong sa araw-araw na pagpasok nila sa trabaho.
Nagkaloob din ang grupo ni Go ng tablets sa ilang benipesyaryo para matulungan ang kanilang mga anak na makasabay sa blended learning sa mga paaralan.
Namahagi naman ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance at additional food packs.
Naroon din ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry para alamin kung sino-sino ang maaring makinabang sa kanilang livelihood assistance.
Pinalalahanan naman ng senador ang mga nagtitinda na mahigpit na sundin ang health protocols para maprotektahan ang kanilang sarili sa COVID-19.
“Sa mga kababayan ko diyan, alam kong hirap na hirap po ang ating mga public market vendors sa inyong negosyo at kadalasan din po d’yan ang hawaan ng sakit sa pinagtatrabahuhan ninyo. Kaya naman po napili namin na abutan kayo ng tulong para maprotektahan ang inyong sarili at matulungang makaahon muli ang inyong kabuhayan,” saad ni Go.
“Meron lang po akong paalala sa inyo, mag-ingat po kayo, dapat social distancing palagi. ‘Yung face shield at mask, pakisuot lang po ito. Kung hindi na kailangang umalis ng bahay, ‘wag muna umalis. Hugas po kayo ng kamay, panatilihing malinis ang paligid at sunod lang kayo sa gobyerno dahil para naman po sa kapakanan ninyo ang ginagawa namin,” paalala ng senador.
Sa kabila ng nagpapatuloy na
public health crisis, tuloy naman ang senador sa pagkakaloob ng kinakailangang ayuda ng mga Filipino na lubos na apektado ng pandemya.
“Patuloy akong tutulong, lalong-lalo na sa mga mahihirap at mga pinaka-apektado ng krisis. Bisyo ko po ang magserbisyo sa inyo. Tuloy dapat ang serbisyo lalo na sa panahong hirap na hirap na ang mga kapwa nating Pilipino. Gagawin po natin ang lahat sa abot ng ating makakaya para magbigay ng tulong at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” wika ni Go.
Ang tanggapan ni Go ay nakapamahagi na rin ng ayuda sa
public market vendors sa Kamuning, Quezon City; Caloocan City; Cainta at Tanay, Rizal; Ubay, Bohol; at Digos City, Davao del Sur; at maraming iba pa.