Nagpahayag ng suporta si
Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang 2021 budget
para sa Department of Public Works and Highways at attached corporations nito kasabay ang paghimok sa ahensiya na tiyaking matatapos ang lahat ng kanilang
priority infrastructure projects bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa public hearing na isinagawa ng Senate Committee on Finance araw ng Miyerkules, October 14, Sinabi ni Go, na nagsilbing kamay ang DPWH para sa muling patatagin ang bansa simula nang manalasa ang COVID-19 pandemic.
Partikular na inihayag ni Go ang pasasalamat sa departamento sa pag-convert ng iba’t-ibang pasilidad ng gobyerno bilang isolation sites at tent Cities para kalingain ang Persons Under Investigation at Persons Under Monitoring upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.
Sa kabila ng pandemic, hiniling ni
Go kay DPWH Secretary Mark na siguruhing makakamit ang target na panahon para tapusin ang mga proyekto nila bago matapos ang termino ng Pangulo.
“Pakiusap ko lang po, Secretary Mark at sa lahat po ng Undersecretaries, Assistant Secretaries, Regional Directors down, pakiusap ko lang po, huwag tayong mag-iwan ng nakatiwangwang na proyekto bago matapos ‘yung termino ni Pangulong Duterte,” giit ng Senador.
Umaasa si Go na lalo pang sisikapin ng DPWH para kumpletuhin ang infrastracture Programs ng administrasyon
“The department needs to act double time in their efforts to lengthen, widen, maintain and construct roads,” saad ni Go.
“The department must also make sure that it is on top when it comes to mitigating flood and building disaster-resilient infrastructures,” dagdag pa nito.
Hindi aniya dapat maging hadlang ang pandemic para matengga ang mga proyekto
“Alam ko po na malaki ang epekto ng pandemic sa construction activities ng DPWH pero hindi po iyon sapat na dahilan para hindi matapos ang mga proyekto at maiwan ng nakatiwangwang lamang.”
“Naniniwala ako sa kakayahan ng DPWH at kay Secretary Mark Villar na hindi niya (nila) ito hahayaang mangyari. Ipagpatuloy po natin ang pagbabayanihan, pagmamalasakit, at pagseserbisyo sa ating mga kababayan,” wika ng senador.
May malaking ginhawa rin aniya sa buhay ng mga Filipino ang mga proyekto ng pamahalaan sa imprastraktura.
“Malaking tulong po sa kanila ang mga infrastructure projects dahil mas mabibigyan nito ang mga kababayan ng access papunta sa kanilang mga trabaho at mga tahanan ng matiwasay at ligtas. Masisiguro rin po nito na ligtas sa kapahamakan at trahedya ang ating mga kababayan,” sabi ni Go.
Bagaman naantala dahil sa kasalukuyang mga hamon, naniniwala ang senador na ang vision 2030 ng DPWH, na mapaunlad ang buhay ng bawat Filipino sa pamamagitan ng de kalidad na imprastraktura, ay makakamit.
“Some of the goals of the department are to reduce travel time, increase road network capacity, improve road quality and safety, build disaster-resilient structures in calamity prone-areas, and construct new roads and bridges for a seamless transport system,” Saad ng senador.
Hinimok din ni Go ang ahensiya na tutukan ang pagpapaunlad sa kanayunan sa pamamagitan ng paggawa ng quality infrastructure projects na magpapalakas ng economic opportunities sa rural areas at mapaluwag ang urban areas.
“I laud the department for providing higher allocation of its capital outlay to the southern Luzon, Visayas and Mindanao regions. As a probinsyano, this warms my heart for I know that these infrastructure projects will pave the way for the development of the provinces, boost economic opportunities and investments in the countryside. This will also encourage Filipinos to return to their provinces,” Sabi ni Go.
“Full support po ako at congrats po kay Secretary Mark sa mga nagawa ninyo, kahit si Pangulo ay very impressed sa nagawa ninyong infrastructure, parati po niyang nababanggit ‘yan,” saad ni Go.
“Salamat po sa inyong tulong, lalung-lalo na po sa pandemyang ito sa mga ginagawa ninyong quarantine facilities,” pagtatapos nito.