Bonok-Bonok Festival ng Surigao City tuloy na isasagawa sa Setyembre kahit may Martial Law sa Mindanao Ito ang napagkasunduan nang isagawa ang 1st Event Committee Meeting sa pangunguna ni City Councilor Ernest Matugas Jr. ang Chairman sa Committee on Tourism sa Sangguniang Panlungsod at ang mga miyembro ng City Tourism Cultural and Development Council. Ngayong taon, magiging tema sa festival, Surigao Sadjaw para sa Kalinaw o Sayaw para sa Kapayapaan. Binigyangdiin ng mga miyembro ng Council sa pamamagitan ng Presidente na si Richard Nick Amores at Mayor Ernesto Matugas na ituloy ang taunang Festival bilang pasasalamat sa Patron Saint Senior San Nicolas de Tolentino. Dahil patuloy ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, ibayong pag-iingat at istriktong seguridad ang ipapatupad. Sa pagpupulong, binuo na rin ang iba’t ibang komitiba para sa naturang event.
Sent from my iPhone