Isasama na ng Department of Science and Technology (DOST) sa clinical trial ng vaccine mixing ang booster shots para dito.
Ayon kay DOST-Philippine Council for Health Research and Development Chief Dr. Jaime Montoya, hahatiin sa tatlong grupo ang 3,000 participants para sa vaccine mixing trial.
Aniya, ang unang grupo ay makatatanggap ng dalawang dose ng magkaparehong brand ng bakuna habang ang ikalawang grupo ay bibigyan ng Sinovac bilang unang dose at ibang brand para sa ikalawang dose.
Ang ikatlong grupo naman ang bibigyan ng dalawang dose ng Sinovac at booster shot na ibang brand ng bakuna.
Paliwanag ni Montoya, ang ikatlong grupo ay kinabibilangan ng health workers, senior citizens, at persons with comorbidities.
Una nang sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Peña na layong pag-aralan ang safety at immunogenicity ng pinaghalong COVID-19 vaccine brands sa Sinovac dahil ito ang most available na bakuna sa bansa.