BORACAY TEMPORARY CLOSURE | Isang batalyon ng pulis ideneploy na Sa Boracay island para sa pagtiyak ng seguridad sa nakatakdang pansamantalang pagsasara nito

Manila, Philippines – Ideneploy na sa isla ng Boracay ang isang batalyon ng pulis para siguruhin magiging payapa ang gagawing pansamantalang pagpapasara nito sa mga turista simula sa April 26, 2018.

Ayon kay PNP Region 6 Spokesperson Police Chief Inspector Joem Malong, nasa 4000 mga pulis ang pinadala sa Boracay Island upang anim na buwang magbantay sa lugar habang isinasailaim sa rehabilitasyon.

Ang pinaka pinaghahandaan aniya nila ang posibleng paglulunsad ng kilos prostesta ng ilang grupo sa isla na tutol sa pansamantalang pagpapasara nito.


Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sinabi ni Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva na naniniwala silang walang magiging seryosong banta sa seguridad ng Boracay sa pagsasara rito.

Pero may nakahanda aniya silang tropa para i-deploy sakaling humingi ng tulong ang PNP.

Facebook Comments