Border restrictions ng Estados Unidos sa Canada at Mexico, pinalawig pa hanggang Hulyo 21

Mananatili pa ring sarado ang border ng Estados Unidos sa Canada at Mexico hanggang Hulyo 21.

Ayon sa US Homeland Security, napagkasunduan na palawigin pa ang travel restriction na nagsimula noong Marso 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Giit naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, ibababa lamang nila ang restriksyon kapag naturukan na ng COVID-19 vacine ang 75% ng kanilang mga residente.


Samantala, nakikipagpulong na rin ang US sa United Kingdom (UK) at European Union (EU) para sa pagluwag ng travel restrictions nila sa mga nasabing bansa.

Facebook Comments