Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Bosnia and Herzegovina region.
Batay sa inilabas ng US Geological Survey, tumama ang lindol 14 km ng Hilagang Silangan ng bayan ng Ljubinje ng 9:07 ng gabi, oras sa kanilang bansa.
Dagdag pa, may lalim ang nasabing lindol na 2 km o katumbas lamang ng 1.2 milya.
Wala namang naitalang malaking pinsala ang lindol sa naturang bansa.
Samantala, nagbabala naman ang European-Mediterranean Seismological Centre sa mga posibleng aftershocks sa mga susunod na araw at oras.
Facebook Comments