Thursday, November 26, 2026

Iligal na paputok, nakumpiska sa Valenzuela; online seller nito, arestado

COURTESY: PNP ACG

Arestado ng mga operatiba ng Cyber Financial Crime Unit (CFCU) sa kinasang entrapment operation sa Malanday, Valenzuela ang isang 20 taong gulang na lalaki na nagbebenta ng iligal na paputok.

Ang operasyon ay nagsimula matapos ang ginawang cyberpatrolling ng pulisya, kung saan nakita nila ang suspek na nagbebenta ng pinagbabawal na paputok sa social media.

Dito na nagpanggap ang mga operatiba na bibili ng 200 piraso ng iligal na paputok sa halagang ₱50 kada piraso o may kabuuang halaga na ₱10,000.

Sa mismong pag-aresto, narekober ng awtoridad ang dalawang kahon na naglalaman ng iligal na paputok at dinala ito sa kustodiya ng pulisya bilang ebidensya para sa magpa-file ng kaukulang reklamo laban sa nasabing naarestong indibidwal.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7183 o ang An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices in relation sa Section 6 ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments