Wednesday, November 25, 2026

Libro para sa Grade 1 na tumatalakay sa LGBT, ikinabahala ng isang senador

Nabahala si Senate President pro-tempore Tito Sotto III na mayroong libro para sa Grade 1 na may topic o paksa tungkol sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community.

Sa budget deliberation ng Department of Education (DepEd), ipinakita ni Sotto ang naturang libro na parehong para sa private at public schools.

Giit ng senador maraming grupo ang nababahala kung dapat na ba itong ituro sa Grade 1 lalo’t mababaw pa ang kanilang pangunawa sa mga ganitong usapin.

Nilinaw naman ni Sotto na hindi ito pagtuligsa sa ideolohiya ng LGBT kundi isyu kung dapat ba itong ituro na sa Grade 1 students.

Iginiit ni Sotto na pwede namang gumawa ng ibang paksa sa libro gaya na lamang sa usapin ng anti-bullying, mental health awareness at anti-drug abuse prevention.

Sinabi naman ng budget sponsor na si Senator Bam Aquino, tinatalakay ang iba’t ibang isyung ito sa mga paaralan.

Facebook Comments