Manila, Philippines – Itinakda ng Korte Suprema sa Martes, July 4 ang botohan kaugnay sa mga petisyong humihiling na ibasura ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ay isang araw bago sumapit ang 30-day deadline sa July 5 para desisyunan ang kaso.
Si Associate Justice Mariano Del Castillo ang susulat ng desisyon kung mayroong factual basis ang proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang idinaan sa tatlong araw na oral argument ng Supreme Court ang nasabing usapin.
Facebook Comments