Tatalakayin muna ng mga senador ang tungkol sa botohan para sa pagbabago ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Pag-uusapan pa ng mga senador kung idadaan sa botohan o ipauubaya kay Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ang pasya sa ruling ng voting threshold.
Ayon kay Senate President pro-tempore Tito Sotto III, magko-caucus muna sila para pag-usapan ang isyung ito.
Sinabi ni Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito na posibleng sa Lunes, September 21, sila magdaos ng caucus.
Ito ay dahil sa September 23 nakatakda ang oral arguments na susundan ng botohan sa usapin ng susundin na voting threshold ng impeachment court.
Kahit ang ilang senador tulad ni Senator Erwin Tulfo ay nais na marinig muna ang opinyon ng mga kasamahan tungkol sa voting threshold bago ito desisyunan kung babaguhin at kung idadaan ba ito sa botohan.
Ilan aniya sa mga senador ay nais ibaba ang voting threshold habang ang iba ay nais na ipako ito sa 16 votes ang threshold para sa conviction kay VP Sara.











