Boundary ng Misamis Oriental at Bukidnon patungong Lanao Del Sur, mahigpit na minomonitor

139

Lanao Del Sur, Philippines – Mahigpit na minomonitor ng 4th Infantry Division Philippine Army ang mga boundary ng Misamis Oriental at Bukidnon patungong Lanao Del Sur.

Ito’y matapos nagkasagupaan ang militar sa ilalim ng 1st tabak Division at teroristang Maute kahapon ng hapon sa Marawi City nang pinasok ng Maute ang Amai Pakpak Medical Center sa compound ng Mindanao State University.


Ayun kay 4th ID Philippine Army spokesperson Capt. Joe Patrick Martinez, posibleng makapasok sa Bukidnon at Misamis Oriental area ang nasabing grupo sa pamamagitan ng boundary nito.

Mahigpit rin nilang binabantayan ang mga checkpoint at chokepoint sa buong rehiyon upang hindi makalusot ang nasabing grupo.

Dagdag pa ni Captain Martinez na ipinaalam na rin sa kanila ang nangyari sa Westmincom pati na ang mga lugar na malapit sa Lanao Del Sur upang mabantayan ang seguridad.
DZXL558

Facebook Comments