Boy Abunda, nagsalita na hinggil sa estado ng pagkakabigan nila ni Kris Aquino

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagbabatikos ng ilang mga fans sa social media, bingyang linaw ni Boy Abunda ang estado ng kanilang pagkakaibigan ng Queen of all Media na si Kris Aquino.

Sa isang post kasi ni Kris, kung saan kasama niya si Bimby at teen singer na si Darren Espanto, ay nagpasalamat ang Queen of all Media sa teen singer dahil sa pag-alala nito sa kanya.

Agad naman itong bingyang issue ng isang fan na nakakalimot na raw ang mga kaibigan ni Kris sa dati nitong network.


Hindi man binanggit ang pangalan ni Boy, nagbigay pa rin ito ng pahayag ukol dito kung saan aniya, hindi siya clingy at mahilig sa party kahit noon pa.

At para sa kanya, lagi siyang nariyan para sa kanyang mga kaibigan at patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Kris.

Dagdag pa ni tito Boy, hindi nababase ang pagkakaibigan sa pagdalaw-dalaw sa bahay at maraming pang araw na maari silang magkita at wala din pagbabago pagdating kanilang friendship ni Kris.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments