Bpo Industry, Pormal Nang Humingi Ng Dayalogo Kay Pangulong Rodrigo Duterte- Pangamba Sa Pagpu Pull-Out Ng Mga Us Compan

MANILA – Pinawi ng Employers’ Confederation of the Philippines ang pangamba ng mga nasa Business-Process Outsourcing (BPO) o call center industry sa bansa.Kasunod na rin ito ng sinasabing pagpull-out ng mga US Companies dahil sa maaanghang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos.Ayon kay ECOP President Donald Dee sa kabila ng mga pahayag ng Pangulo, patuloy naman ang pagsasaayos sa investment climate sa bansa at hindi naman pinahihirapan ang mga negosyante sa pagnenegosyo sa Pilipinas.Sa ngayon ay pormal nang humingi ng dayalogo ang mga miyembro ng IT and Business Process Association of the Philippines kay Pangulong Duterte.Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na reiteration lamang ng kanyang independent foreign policy ang pahayag ng Pangulo.Nasa 80 porsyento sa mga kliyente ng mga BPO Industry sa bansa ay US Accounts na may halos isang milyong mga pilipinong empleyado.

Facebook Comments