Isang bagong Brazilian variant ng COVID-19 ang nadiskubre sa Germany.
Ayon kay Hessian Social Affairs Minister Kai Klose, nakita ang mutation ng COVID-19 sa resulta ng laboratory test ng infected person na bumiyahe mula Brazil na pinaniniwalaang pinagmulan ng nasabing sakit.
Paliwanag naman ng Germany’s Robert Koch Institute (RKI), halos parehas ng mutation ang Brazilian variant at South African variant.
Anila, mas nakakahawa ito kumpara sa mga naunang variant ng COVID-19.
Dahil dito, nagbabala ang ilang eksperto sa posibleng worldwide outbreaks dulot ng mga
bagong diskubreng variant.
Facebook Comments