Brazilian President, aminadong malaki ang epekto ng COVID-19 sa kanilang ekonomiya

Aminado si Brazilian President Jair (Ha-Ir) Bolsonaro na malaki ang epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kanilang ekonomiya.

Ayon kay Bolsonaro, nahaharap sila ngayon sa malaking sakuna sa posibleng pagbagsak ng kanilang ekonomiya dahil sa nasabing sakit.

Nabatid na nagpatupad na ng mga panuntunan ang presidente sa mga local authorities’ para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19


Matatandaang umani ng negatibong komento ang pahayag ni Bolsonaro matapos sabihing “little flu” lamang ang nasabing sakit na sa kasalukuyan ay itinuturing ng pandemic.

Facebook Comments