BREACH OF PROTOCOL | 3 tao, pananagutin sa paglabas ng press ID na mali-mali ang grammar

Manila, Philippines – Tatlong tao ang maaring managot sa panibagong iregularidad sa pag-imprenta ng mga ID para sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Dahil ito sa maling grammar at text sa likod na bahagi ng ID.

Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, sinabi niyang mananagot ang nasa likod ng kapabayaang ito.


Paliwanag ni Andanar, nagkaroon ng breach of protocol sa bahagi ng International Press Center na siyang nagre-review ng accreditation sa mga media na nangko-cover ng mga aktibidad ng Pangulo.

Agad naman pinabawi ang lahat ng mga ID.

Una rito, nagdulot din ng kalituhan sa media ang ipinadalang transcript sa umano’y radio interview ni Pangulong Duterte kasama si Special Assistant to the President Bong Go.

Hindi pala kasi ang Pangulong Duterte ang kausap sa ere kundi isang impersonator.

Humingi naman ng paumanhin ang mga palace transcriber kung saan nagpaliwanag din si Andanar at sinabing hindi sinadya ang pagkakamali.

Facebook Comments