PITONG PAARALAN SA MALASIQUI, SUMAILALIM SA ACTIVE THREAT DRILL NG PULISYA

Nagsagawa ng Active Threat Drill ang Malasiqui Municipal Police Station sa pitong paaralan sa Malasiqui, Pangasinan para ihanda ang mga guro at mag-aaral sa emergency situations.

Kabilang sa mga paaralang nagsagawa ng pagsasanay ang Gatang Elementary School, Goliman Elementary School, Domingo P. Boquiren National High School, Olea Elementary School, Bakitiw Elementary School, Pacuan Elementary School at Nalsian-Tomling Elementary School.

Ayon sa pulisya, tinuruan ang mga guro at mag-aaral kung paano kilalanin ang mga posibleng banta sa paaralan at kung ano ang mga dapat gawin.

Bahagi rin ito ng pakikipagtulungan ng pulisya at mga paaralan sa pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments