Brexit deal, pagbobotohan muli sa ikatlong pagkakataon

Sa ikatlo at posibleng huling pagkakataon, pagbobotohan ngayong araw ng United Kingdom parliament ang Brexit deal ni Prime Minister Theresa May.

Ayon kay House of Commons Leader Andrea Leadsom – hinati-hati ang withdrawal agreement.

Hindi maituturing itong “meaningful vote”, dahil hindi isasama sa pagbobotohan ang future relationship ng UK sa European Union (EU).


Aniya, “crucial” ang paghingi sa EU ng Brexit delay hanggang May 22.

Kung himalang makakapasa ang deal ni May ay plantsado na ang pag-alis ng UK sa EU sa May 22.

Sakaling mabigo itong lumusot, kailangang magdesisyon ang UK, umalis sa EU bago ang April 21, mayroon man o walang kasunduan o hihingi muli ng extension.

Nagiging kumplikado ang anumang pag-antala sa Brexit dahil sa papalapit na European parliamentary elections, na magsisimula sa May 23.

Facebook Comments