Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Dominante pa rin ang easterlies sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – mainit at maalinsangang panahon ang hatid nito sa Southern Luzon at Visayas.

May mga kaulapang nakikita sa Mindanao na magdadala ng mga pag-ulan lalo na sa Zamboanga, Bangsamoro Region, Sulu Archipelago, Soccsksargen, at Davao Region.


Presko ang panahon sa buong Kabisayaan at Palawan pero may tiyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Mainit at maalinsangan pa rin ang asahan sa Luzon kasama ang Metro Manila.

Facebook Comments