Libreng voters verification, maaaring ma-avail ng mga kababaihan ngayong araw

Magbibigay ang Commission on Election (Comelec) ng libreng Voters Certification o VC sa mga kababaihan ngayong araw.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, libreng makakakuha ng VC ang mauunang 25 kababaihan sa bawat sangay ng Comelec.

Ito aniya ay bilang pakikiisa ng Comelec sa selebrasyon ng National Women’s Month.


Ang VC ay nagkakahalaga ng P75 at karaniwan itong kinukuha para makatanggap ng benipisyong ipinagkakaloob sa mga pampublikong ospital at paaralan ng mga lokal na pamahalaan.

Pwede ring magamit ang VC bilang opisyal na dokumentong isinusumite sa mga tanggapan ng gobyerno.

Facebook Comments