Nasa Brussels, Belgium ngayon si British Prime Minister Theresa May para suyuin ang mga member-leaders ng European Union (EU) na magsasagawa ng emergency summit.
Hihilingin ni May sa kapulungan na i-antala ang Brexit o pagkalas ng United Kingdom (UK) sa EU hanggang June 30.
Ayon kay May, malinaw na short delay lamang ang kanyang hinihingi.
Pero hinimok ni European Council President Donald Tusk ang 27 leaders ng EU na magkaroon ng flexible extension hanggang sa isang taon – na may kaakibat na mga kondisyon.
Ang UK ay nakatakdang umalis sa EU bukas, April 12.
Sakaling walang inaprubahang extension, ang UK ay aalis na walang naisaradong kasunduan.
Facebook Comments