Brgy Hall sa Midsayap pinaulanan ng bala, 2 patay 3 sugatan

25

Patay si Brgy Kagawad Macapagal Gumayao, 54 at Brgy Tanod na si Garo Mangadta 32 anyos matapos paulanan ng bala ang Brgy Hall ng Nes sa Midsayap North Cotabato alas tres kahapon ng hapon.
Sugatan din si Brgy Kapitan Kamarudin Mangadta, Abdul Radzak Dimaloloy, 25 anyos Driver, at Sukarno Tatalo, Brgy Tanod.
Sinasabing nasa loob ang mga biktima habang nagsasagawa ng session ay bigla na lamang pasukin ng mga armadong sakay ng dalawang motorsiklo sabay pinagbabaril ayon pa kay Supt Benito Rotia Jr. sa panayam ng DXMY. Narecover sa Crime Scene at 22 basyo ng bala ng M16 at 8 basyo ng bala ng Cal 45.
Bagaman tukoy na ang mga responsible at kung anu ang maaring motibo, nagpapatuloy pa rin ang mga pagsisikap ng mga otoridad upang maresolba ang kaso.
Patuloy namang nagpapagaling ang mga sugatan habang nagluluksa ang mga pamilyang iniwan ng dalawang namatay.
Nakaalerto na ang mga otoridad upang maisiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan sa nasabing Baranggay.

Facebook Comments