Brgy. Officials, Dapat walang papanigan!

Cauayan City, Isabela – Ipinaalala ni Engr. Corazon Toribio, CESO V, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga dapat gawin ng mga opisyal ng barangay sa nalalapit na 2019 Midterm Elections.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay PD Toribio, sinabi nito na dapat walang papanigan ang mga brgy. Officials sa darating na botohan sa buwan ng Mayo.

Aniya, tuwing sasapit ang National at Local Election ay laging pinapaalalahanan ang mga bgry officials lalo ang mga kapitan na pangalagaan ang kalinisan ng halalan.


Dapat sila rin umano ang kasama ng nasabing tanggapan na manguna sa kampanya hinggil sa maayos at ligtas na eleskyon.

Paalala pa ng nasabing opisyal na dapat ang ihalal na mamuno para sa bayan ay ang matalino, mahusay at maaasahan.

Samantala, wala pang paabiso kung kelan ipagpatuloy ang isasagawang special election ng mga SK Kagawad dito sa rehiyon.

Facebook Comments