Bricks ng Marijuana, Nasabat sa Quezon, Isabela; 4 Suspek, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nasabat ng mga awtoridad mula sa apat na suspek ang nasa sampung (10) bricks ng Marijuana na tinatayang aabot sa halagang milyong piso sa barangay Alunan, Quezon, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, unang naglatag ng checkpoint ang PNP Rizal, Kalinga matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong sasakyan ang nakatakdang magdeliver ng marijuana patungong Maynila.

Nang makarating sa checkpoint ang hinihinalang sasakyan ay hindi ito huminto kaya’t agad na itinawag ng PNP Rizal sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) at agad namang inalerto ang mga nakabantay sa checkpoint ng PNP Quezon na nagresulta sa pagkakasabat at pagkakahuli ng mga suspek.


Nakuha mula sa loob ng sasakyan ang 10 marijuana bricks at isang kalibre ng baril mula sa sling bag ng isang suspek.

Napag-alaman na isa sa mga suspek ay residente ng Balagan, San Mariano, Isabela na napilitan lamang umanong sumama sa biyahe dahil sa hirap ng buhay dulot ng pandemya.

Ibeberipika rin ng mga otoridad ang claim ng isang suspek na siya ay isa umanong menor de edad.

Facebook Comments