Manila, Philippines – Paparusahan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga broker at importer na nagpapasok ng kwestyonableng kargamento.
Ito’y matapos mabisto ang ilang tauhan ng ahensya na tumatanggap ng padulas.
Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon – iniimbestigahan na ang nasa 1,400 na broker.
Giit naman ng presidente ng Chamber of Customs Brokers Inc. na si Ferdinand Nague – ang Professional Regulations Commission (PRC) ang tanging pwedeng magparusa sa kanila.
Aniya, huwag sisihin ang brokers kung may katiwalian sa Customs.
Handa naman makipagtulungan ang Chamber of Customs Brokers sa BOC para malinis ang ahensya sa mga tiwaling tauhan.
Facebook Comments