Brooklyn Nets, nasilat ang Philadelphia 76ers

33

Nagawa pa rin ng Brooklyn Nets na matalo ang Philadelphia 76ers kahit wala ang kanilang superstar na sina Kyrie Irving at Kevin Durant sa score na 122-109.

Sumandal ang Nets kay Joe Harris na nakagawa ng season-high 28 points.


Umalalay rin sina Caris LeVert na may 22 points, 10 assists at pitong rebounds at Jarrett Allen na may 15 points at 11 boards para sa Nets.

Matatandaang si Irving ay mayroong personal na dahilan kaya hindi nakapaglaro habang si Durant ay naka-quarantine makaraang ma-expose sa isang pasyenteng may COVID-19.

Nabigo sina Shake Milton na may season-high 24 points para pangunahan ang Sixers at Joel Embiid na nagtapos na may 20 points at 12 rebounds.

Facebook Comments