BRP Antonio Luna, nagsagawa ng maritime patrol sa Palawan

Nagsagawa ng maritime patrol ang brand new missile guided frigate ng Philippine Navy na BRP Antonio Luna (FF-151) sa Malampaya gas field sa Palawan.

Ayon kay Joint Task Force Malampaya si BGen. Robert Velasco ang ginawang maritime patrol ay bilang pagsuporta ng AFP sa national development at pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan at protektahan ang maritime interest ng bansa.

Mahalaga aniya na maprotektahan ang mga critical infrastructures sa West Philippine Sea gaya ng Malampaya gas field na malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa.


Ang Malampaya gas field o ang Malampaya-Camago field ay isang deep water gas-condensate reservoir na matatagpuan 65 km northwest ng Palawan.

Ito ay isang joint undertaking ng Shell Philippines Exploration B.V. (Shell-operated), Chevron at Philippine National Oil Corporation-Exploration Corporation.

Nagsu-supply rin ang Malampaya ng natural gas sa limang power plants sa Luzon.

Idineploy ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna sa West Philippine Sea noong June 10.

Facebook Comments