Kaugnay ng nakamamatay na NCoV kinumpirma ng Department of Health – Bicol na as of February 10, 2020, may 2 persons or pasyente na under investigation sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Albay.
Ang bagay na ito ay kinumpirma mismo ni Dr. Janice Alcala-Arellano ng DOH Local Health Systems Development dito sa Kabikolan sa exclusive interview ng RMN DWNX – Doble Pasada program.
Sinabi ni Dr. Janice na nakuhaan na rin ng specimen ang nabanggit na mga pasyente at ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine sa Metro Manila at hinihintay pa nila ang resulta ng mga ito.
Samantala, kasalukuyang nasa isolation room ng BRTTH sa Albay ang dalawang pasyente. Sinabi rin ng doktor na kapag nasa isolation room ang isang pasyente, limitado ang kanyang kilos at ganundin ang mga taong nakakausap nila tulad ng mga doktor at health workers lamang.
Idinagdag pa ng DOH Doctor na naireport na rin ang bagay na ito sa DOH Central Office.
Hindi nabanggit ng doktora kung ang mga pasyenteng ito ay lalaki o babae o ano ang nationality ng mga ito, pero sinabi niya na kapag nasa PUI o Person Under Investigation ang isang persona, nangangahulugan ito na may history of travel sa China.
RMN DWNX Doble Pasada
BRTT Hospital sa Albay, May2 Persons Under Investigation Kaugnay ng NCoV
Facebook Comments